-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Economic Affairs ang mga panukalang aamiyenda sa Public Service Act (PSA).

Mabilis na nakalusot sa komite ang mga panukala matapos pairalin ang House Rule 10, Section 48 o “one-day hearing rule.”

Ayon sa chairman ng komite na si AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, mahalagang maipasa ang mga amiyendang sa PSA, dahil maaring iba na ang kahulugan ng public utility noon at sa ngayon. Taong 1936 pa kasi nang lagdaan ito bilang batas.

Dagdag pa ng kongresista, hindi nakasaad sa Saligang Batas ang kahulugan ng “public utility” na sa kasalukuyang binibigyang depinisyon lamang sa mga desisyon ng Korte Suprema.

Nauna nang inaprubahan ng Kamara noong 17th Congress ang House Bill 5828 o ang Act Providing for the Definition of Public Utility Amending for the Purpose Commonwealth Act of 146.

Sa ilalim ng panukalang ito, maituturing bilang public utility ang distribution ng electricity system, transmission ng electricity system at water pipeline distribution.