-- Advertisements --

Pinapayuhan nitong araw ng Pagasa ang publiko na magdala ng payon at kapote dahil sa pag-ulan na inaasahang maranasan sa buong bansa hatid ng amihan at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa kanilang 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng Pagasa na makakaapekto ang amihan sa Northern at Central Luzon.

Sinabi rin ng state weather bureau na ang low pressure area (LPA), na lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Sabado, ay muling pumasok at kasalukuyang nasa loob ng ITCZ.

Hulign namataan ito sa layong 420 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ngayong araw makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rains dahil sa mga localized thunderstorms ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.

Ang MIMAROPA, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula naman ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ.

Magiging maulap na may kasamang manaka-nakang pag-ulan naman ang Ilocos Region, Crodillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora province dahil sa amihan.