Ano mang oras ay ipapa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Amerikano na sangkot sa kasong pagpatay at iba pang kasong kriminal sa Estados Unidos.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang suspek ay kinilalang si Antonio Marsonel Wilson na nasa kustodiya ng ng BI kasunod ng pagkakaaresto nito noong Marso 27 sa Angeles City, Pampanga ng mga tauhan BI Fugitive Search Unit (FSU).

May warrant of arrest daw ang banyaga na inisyu ng US district court sa Warren County, Kentucky.

Maliban sa kasong murder, humaharap din si Wilson sa mga kasong first-degree assault, domestic violence, first-degree wanton endangerment, possession of a firearm and handgun by a convicted felon, tampering with physical evidence, trafficking in marijuana, possession of drug paraphernalia.