-- Advertisements --

Tuluyan nang nilagdaan ni US President Donald Trump ang kautusan na magpaparusa sa China dahil sa pinatupad nito na national security law sa Hong Kong.

Ito’y matapos aprubahan ng US Congress ang panukala na magmumulta sa anomang bangko sa Estados Unidos na magkakaroon ng negosasyon sa mga opisyal ng Beijing na nagsulong sa kontrobersyal na security law.

Inanunsyo rin ng American president nqa tutuldukan na nito ang preferential trade agreement sa Hong Kong kung saan simula ngayong araw ay kikilalanin na ang nasabing teritoryo bilang kaisa ng China.

“No special privileges, no special economic treatment and no export of sensitive technologies,” saad ni Trump.

“This law gives my administration powerful new tools to hold responsible the individuals and the entities involved in extinguishing Hong Kong’s freedom,”

Damay na rin sa naturang panukala ang pagbawi sa special treatment para sa mga Hong Kong passport holders.

Ilang beses nang sinisi ni Trump at Secretary of State Mike Pompeo ang China dahil sa pagkalat ng coronavirus pandemic. Hindi rin nakaligtas sa kritisismo ang Beijing dahil sa pamimilit nito na kontrolin ang mga kaganapan sa Hong Kong.