Diahann Carrol
Diahann Carrol

Pumanaw na ang American singer na si Diahann Carrol sa edad 84.

Ayon sa kaniyang publicist ang matagal na nitong pakikipaglaban sa breast cancer ang sanhi ng kamatayan ng singer.

Nalagutan ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Nagsimula ang kaniyang pagsikat ng mapasama siya sa cast ng 1959 screen adaptation ng “Porgy and Bess”.

Ang Oscar-nominated actress na nagwagi na rin ng Tony Award dahil sa pagganap nito sa Broadway na “No Strings” noong 1962.