Pinauwi na sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang suspected American pedophile na akusado sa sexual exploition ng mga babae sa Cebu City.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang 64-year-old na suspek ay kinilalang so Craig Alex Levin na isinakay sa chartered special flight ng US Embassy mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinundo raw ang suspek ng mga tauhan ng US Marshals Service mula sa airport tarmac mula naman sa kanyang selda sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sinabi ni Morente na napagkasunduan daw ng BI Board of Commissioners na i-deport si Levin dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien at dahil na rin sa pagiging pugante nito.
“He has been placed in our immigration blacklist, thus he is now perpetually banned from re-entering the Philippines. Henceforth, he would no longer pose a threat to our Filipino children,” anang BI Chief.
Base sa mga records mula sa Police Women and Children Protection Center sa Region 7, inaresto si Levin sa kanyang condominium unit sa Brgy. Cogon Ramos, Cebu City noong May 24, 2019 matapos itong makitang kasama ang 15-year-old girl sa kangang kuwarto.
Inaresto ito matapos itimbre ng US authorities sa mga otoridad na may kaso itong kinahaharap za US district court sa Philadelphia dahil sa sexual exploitation ng mga minors dito sa bansa at dahil sa child sex trafficking.
Agad naman itong itinurn over sa BI habang hinihintay ang kanyang deportation proceedings.
Isinalarawan ng US prosecutors si Levin bilang “dangerous sexual predator” na target ang mga kabataang Pinoy dito sa Pilipinas.