Sinimulan na ng organizer ng American Idol ang kanilang kauna-unahang video auditions.

Pangungunahan nina Kelly Clarkson at Jordin Sparks ang pagsasagawa ng “live virtual audition tour” imbes na in-person audition na mayroong live audience.

Ang unang beses na remote auditions ay magaganap sa 50 estado at sa Washington DC.

Magsisimula ang virtual tour sa Delaware, Florida at Ohio habang sa Setyembre 9 naman ay gaganapin sa Massachusetts, North Carolina at Vermont.