LEGAZPI CITY – Nasaklolohan ng mga rescuer ang isang ambulansya ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)-Sorsogon na reresponde sana sa aksidente sa Barangay Rizal, Sorsogon City, matapos itong bumaliktad.
Ayon sa CDRMMO personnel na si Jurie Ladisla sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, isa siya sa mga sakay ng naturang ambulansya na reresponde sana sa aksidente nang biglang mawalan ng kontrol ang driver at nagpagewang-gewang sa gitna ng kalsada.
Subalit pagdating sa tulay sa bahagi ng Barangay Rizal, may nakasalubong pang sasakyan ang ambulansya na kanilang iniwasan kaya tuluyang tumagilid.
Dahil sa insidente ay nagtamo ng minor injuries ang pitong sakay ng ambulansya habang isa ang nagtamo ng matinding sugat.
Kaagad namang naitakbo sa pagamutan ang mga biktima.