Patuloy na naglalabas ng tubig ang Ambuklao at Binga dam pagkatapos ng mga araw ng malakas na pag-ulan dulot ng pinahusay na habagat ang nagdaang mga bagyo.
Ayon sa DOST, ang Ambuklao at Binga dam ay may tig-tatlong gate na nakabukas upang magpalabas ng tubig.
Ang antas ng tubig ng Ambuklao Dam ay umabot sa 751.05 metro, malapit sa 752 metrong normal operating level nito, habang ang antas ng Binga Dam ay 573.76 metro, malapit din sa 575 metrong normal na taas ng tubig nito.
Nagbabala ang mga awtoridad na ang pag-agos ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dam sa Benguet ay maaaring makaapekto sa Barangay Ambuklao sa bayan ng Bokod, gayundin sa Barangay Dalupirip at Tinongdan sa bayan ng Itogon.
Sa kabilang banda, itinigil naman ng Ipo Dam ang spilling operations nito noong araw ng Martes.
Ang Ipo Dam sa Bulacan ay itinigil ang kanilang spilling operations dahil ang kasalukuyang lebel ng tubig nito ay mababa na ngayon sa spilling level na 101 meters.
Sa kasalakuyan, mahigpit pa ding nagpapaalala ang iba’t-ibang ahensya na magtipid ng tubig upang mapaghandaan din ang epekto ng El Nino na inaasahang malubhang mararanasan sa susunod sa taon.