-- Advertisements --
Magdudulot pa ng mahina hanggang malakas na pag-ulan sa buong Mindanao ang Tropical Depression na Ambo.
Ayon sa PAG-ASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 405 km ng silangan Hinatuan, Surigao del Sur.
May lakas ito ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55 kph.
Posibleng magtaas na rin ang ahensiya ng tropical cyclone wind signal sa darating na 48 oras.