-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang typhoon Ambo kahit tumama na sa kalupaan ng Eastern Samar.

Sa kasalukuyan ay namataan ang sentro nito sa bahagi ng San Jose De Buan, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging 155 kph at may pagbugsong 255 kph.

Habang kumikilos nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Signal No. 3:

Sorsogon, Albay, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, katimugan ng Quezon, Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar, northern portion ng Samar at Biliran.

Signal No. 2:

Southern portion ng Quezon, Marinduque, Romblon, Laguna, southeastern portion ng Batangas, hilagang parte ng Leyte, nalalabing bahagi ng Samar at iba pang parte ng Eastern Samar.

Signal No. 1:

Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, Bataan, Pampanga, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Zambales, Oriental Mindoro, eastern portion ng Pangasinan, natitirang parte ng Quezon, nalalabing bahagi ng Batangas, northern portion ng Leyte, northeastern portion ng Capiz, northeastern portion ng Iloilo at Northern Cebu.