-- Advertisements --

Pinangangambahan ngayon sa United Kingdom ang posibilidad ng kasunduan sa pagitan ng Washington at Britanya tungkol sa post-Brexit free trade deal.

Maaari raw kasing mapilitan ang UK na tanggapin na lamang ang mas pinaluwag na US food and environmental standards.

Hindi rin daw ito makatutulong sa pagkawala ng accees ng Britanya mula sa customs union at single market ng European Union.

Pinangasiwaan ni International Trade Secretary Liz Truss ang naturang video conference call kasama si US trade representative Robert Lighthizer.

Ayon kay Truss, malaki umano ang maitutulong ng naturang trade agreement sa ekonomiya ng UK na labis na naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic.

Layunin din ng kasunduan na ito na magbigay ng bagong oportunidad para sa mga negosyo sa bansa na dadagdag naman sa mas marami pang investment at trabaho.

“The prime minister has been clear that we champion free trade and this deal will make it even easier to do business with our friends across the pond,”

“As we sit down at the negotiating table today be assured that we will drive a hard bargain to secure a deal that benefits individuals and businesses in every region and nation of the UK,” dagdag pa ni Truss.