Labis ang pagdadalamhati ngayon ng actress na si Yassi Pressman dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan kasama ang amang 90-anyos na si Ronnie.

-- Advertisement --

May caption pa ito ng makapagbagbag damdaming mensahe sa ama.

Makailang beses na rin nakasama ng actress ang ama sa mga iba’t-ibang television interview.