Patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga kapulisan sa New York na nakasagasa at nakapatay sa ama ng rapper na si Nicki Minaj.

Base sa imbestigasyon, naglalakad umano ang biktimang si Robert Maraj sa Long Island ng ito ay mabangga.

Mabilis na tumakas ang suspek habang dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ang tunay na pangalan kasi Nicki ay Onika Tanya Maraj-Petty na isinilang sa Trinidad and Tobago subalit ipinalaki sa Queens borough ng New York City.

Sampung beses itong nominado sa Grammy at nanalo ng limang MTV Video Music Awards at nabasag ang record na bilang most Billboard Hot 100 entries by a solo artist.

-- Advertisement --