Reading Time: 1 minute
Jamie Spears
Jamie Spears

Umayaw na ang ama ni Britney Spears na maging guardian nito.

Agad namang pinayagan ng korte ang inihaing petition ni Jamie Spears na temporaryong pagtanggal sa kaniya na mag-alaga sa singer dahil sa problema ng kalusugan.

Itinalaga na lamang ng korte bilang care-giver nito si Jodi Montgomery bilang kapalit ng ama.

Britney Spears
Britney Spears/ IG post

Taong 2008 ng inilagay sa psychiatric care si Britney matapos na hindi pumayag ito na ipaalaga ang anak.

Bilang trabaho ng ama ni Spears ay ang paglimita at pagbawalan ang sinumang makalapit sa singer.

May karapatan din ito na tumigin sa medical record ng anak.