VIGAN CITY – Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng San Juan municipal police station ang isang 42-anyos na lalaking pinaniniwalaang nanggahasa sa menor de edad nitong anak noong 2018.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nagtago umano ang suspek mula nang lumabas ang warrant of arrest nito noong March 21, 2018 sa sala ni Hon. Raphiel Alzate ng Regional Trial Court, Branch 24, Cabugao, Ilocos Sur.

-- Advertisement --

Nahaharap sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection on Children’s Act at qualified rape thru sexual assault ang suspek na nahuli sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang naging paratang sa kaniya at sinabi nitong natakot lamang itong makulong kaya ito nagtago nang malaman na mayroong naipalabas na warrant of arrest laban sa kaniya.