-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Alyssa Valdez na mapabilang sa Creamline volley team na sasabak sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Dinapuan kasi ito ng dengue noong nakaraang buwan kaya hindi siya nakapaglaro sa AVC Cup for Women at Asean Grand Prix na ginanap sa Thailand.
Dahil sa paggaling niya sa nasabing sakit ay pagtitiyak niya na ibibigay niya ang kaniyang makakaya para magwagi ang koponan.
Tiwala din ito na magagamit ng kaniyang koponan ang mga natutunan nilang teknik mula sa paglalaro sa ibang bansa.