-- Advertisements --

Napanatili ni Saul “Canelo” Alvarez ang kaniyang undisputed super middleweight world title matapos ang unanimous decisioin laban sa kapwa Mexican boxer na si Jaime Munguia.

Pinatikim rin ni Alvarez ang unang pagkatalo ni Mungia sa 44 na professional fight nito.

Sa ikaapat na round ng mapatumba ang 27-anyos na si Munguia para makuha ni Alvarez ang 61 panalo, dalawang talo at dalawang draw.

Dahil sa panalo ay napanatili ni Alvarez ang IBF, WBA, WBC at WBO belts.

Sinabi ni Alvarez na malakas ang kalaban subalit mabagal ito kaya naiiwasan ang mga suntok nito.

Aminado na malakas si Munguia kaya hindi siya nagmamadali at sinusulit niya ang oras.