-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pabor para sa ALU-TUCP ang isinusulong na pagkakaloob ng unemployment insurance sa mga manggagawa sa Bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ALU-TUCP spokesman Allan Tanjusay sinabi niya na maganda ang panukalang pagsusulong ng Unemployment Insurance para sa mga manggagawa sa bansa.

Aniya sa ngayon ang unemployment insurance ay ipinagkakaloob ng Social Security System (SSS) kung saan ang mga nabibigyan lamang nito ay ang mga miyembrong regular na nakapaghulog ng kanilang kontribusiyon.

Upang matiyak na marami ang makikinabang sa unemployment insurance ay kinakailangan na isali rito ang mga manggagawang kabilang sa informal sector na nawalan ng trabaho ngunit hindi miyembro ng SSS at walang unemployment insurance na makukuha.

Kaugnay nito nakikita ng ALU TUCP na maraming natutulungan ang sash for work program ng Pamahalaan subalit kailangan na matutukan at malinisan ang mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Mahalaga ring ayusin ng pamahalaan ang listahan at pamamaraan ang pamamahagi ng unemployment insurance.

Nararapat ring tinayakin ng mga mambabatas na hindi aabusuhin ng mga employer ang pagkakaloob ng unemployment insurance sa mga manggagawa.