-- Advertisements --

March 3, 2024 at Deep Water Bay, Hong Kong. Muli na naman ipinagdiwang ng Grupong Alpha Phi Omega o APO ang kanilang 74 Years National Founding Anniversary ng APO sa Pilipinas dito sa Hong Kong. Ang APO sa HONG KONG ay naitatag naman noong May 1, 1996 ng mga senior na APO mula sa ibat ibang Chapter at lugar sa Pilipinas.

Sa naganap na anniversaryo kahapon sa pamumuno ng APO HONG KONG President na si Rhoda Gallego Jamero na mula sa ETA MU Chapter, school of Aldersgate College ng Solano, Nueva Viscaya ay kanyang pinadiinan na ang APO sa HONG KONG ay dapat magka-isa, sa isip, salita at sa gawa para maging halimbawa sa lahat ng kapatiran at iwasan ang alitan na siyang pinag mumulan ng pagkawatak watak o faction ng ibang samahan. Huwag silang gagaya sa ibang organisasyon dahil ang APO ay iba sa karamihan. Sa tulong at kooperasyon ng mga members ay naipagdiwang ng maayos at masaya ang National Anniversary ng APO dito sa Hong Kong.

Matatandaan na ang Alpha Phi Omegga International Service Fraternity and Sorority ay naitatag sa Easton, Penssylvania, USA noong December 16, 1925 at ito naman ay dinala at naitayo sa Pilipinas nong March 2, 1950 sa Far Eastern University sa Manila. Ang APO ay nanatiling matatag mula noon hanggang ngayon dahil sa prinsipyo na maglingkod sa Apat na sulok ng Sangkatuhan at ito ay Service to Fraternity and Sorority, Service to the Community, Service to the Student Body at Service to the Nation as fully participating Citizen.

Dahil sa maagang paghubog sa mga studyante mula pa sa kanilang pag aaral sa kolehiyo bago sila maging APO na ipinamamalas ng bawat aktibong membro sa mga aplikante na hubogin sila at maging magaling sa Leadership, Freindship at Service na pangunahing Guiding Priciples ng APO ay walang sinomang nagiging APO na hindi nakatapos sa Kolihiyo o nakatongtong sa Kolihiyo.

At dahil sa prinsipyong ito ay nanatiling APO parin ang pinaka aktibong Fraternity sa mga School Campus sa Pilipinas at naire rehistro ang mga Chapters. Sa ibat ibang panig ng mundo ay may mga Alumni Associations na din ang APO at nagiging sandigan ng Kapatiran at Tulongan ng bawat APOng napupunta sa mga bansang ito.

BOMBO RADYO REPORT NEWS:
Marlon Pantat De Guzman
Bombo Radyo International Correspondents HONG KONG