Muling ibinabala ng National Disaster and Risk Reduction Management Council ang matataas na alon, sa mga katubigang sakop ng Northern Luzon.
Batay sa huling abiso ng konseho, maaaring umabot mula 3.1 hanggang 6.5 metro ang taas ng mga alon sa mga baybayin ng Isabela, at Cagayan.
Maaari namang umabot sa 2.8 metro hanggang 5.0 ang taas ng alon sa ma karagatang sakop ng Central Luzon, Northern Luzon provinces, at maging sa mga karagatang sakop ng Probinsiya ng Aurora.
Dahil dito, nagbabala ang konseho sa mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag nang tumuloy sa mga pinaplanong pamamalaot dahil sa tiyak na mapanganib ang pagtutungo sa mga karagatan.
Inalerto rin ng NDRRMC ang mga piloto ng mga malalaking sasakyang pandagat sa mga nasabing baybayin, na mag-ingat sa mga matataas na alon na maaaring tumagal sa loob ng ilang oras.