-- Advertisements --
Ibinahagi ng singer na si Sabrina Carpenter ang bagong cover ng kaniyang album na “Man’s Best Friend”.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang ilang mga bagong larawan ng album.
Noong Hunyo kasi ng ipinakita nito sa publiko ang naunang cover ay umani ito ng batikos kung isang lalaki ang sumasabunot sa kaniya habang ito ay nakaluhod kaya ito ay nagpopromote ng misogynistic stereotypes o nagpapababa ng tingin sa mga kababaihan.
Sa bagong cover na ibinahagi ng pop princess ay sinabi nito na ito ay aprubado ng panginoon kung saan tila kayakap na nito ang lalaki.
Ang nasabing album ay siyang pang-pitong studio album na ng singer at ito ay nakatakdang ipalabas sa Agosto 29.