-- Advertisements --
image 196

Nagpaabot ng pakikiramay ang Alliance of Act Teachers sa pamilya ng school principal na binaril-patay sa bayan ng Pio Duran, Albay.

Matatandaang binaril ng hinihinalang magnanakaw ang high school principal na si Beverly Ubante Cabaltera, 56-anyos sa loob mismo ng tahanan nito sa Napoville Subdivision, Brgy. Napo sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Philippne Secretary General Raymon Basilio, kahit pa hindi sa loob ng paaralan nangyari ang haturang krimen ay kinakailangan pa ring palakasin ang seguridad sa mga eskwelahan.

Nanawagan ang opisyal sa Department of Education (DepEd) na kinakailangang magkaroon ng security personnel sa mga paaralan upang masigurong ligtas ng mga mag-aaral at mga guro.

Iginiit pa ni Basilio ang hindi matatawarang sakripisyo na ginagawa ng mga guro upang matulungan ang kanilang mga estudyante.

Nanawagan rin ang grupo ng hustisya para sa naturang principal na biktima ng kriminalidad.