Binago ng NBA ang All-Star Game MVP award nito bilang pagkilala sa namayapang basketball superstar na si Kobe Brynt, ayon kay Commissioner Adam Silver.

Iginiit ni Silver na “synonymous” si Bryant sa NBA All-Star at kinakatawan din nito ang diwa nang selebrasyon na ito ng laro.

Si Bryant, pati ang anak nito na si Gianna ay kabilang sa siyam na nasawi sa pag-crash ng helicopter sa bulubunduking bahagi ng Los Angeles noong Enero 26.

Kinilala si Bryant bilang pinakabatang basketbolista na naglaro sa isang All-Star Game nang mag-debut siya sa edad na 19.

Nakapasok siya sa All-Star team ng 18 beses sa kanyang buong Los Angeles Lakers stint.