Vargas garcia

Handang handa na umano sa giyera bukas sa itaas ng ring ang dalawang magkaribal na sina four-division world champion Mikey Garcia at two-division world champion Jessie Vargas.

Ito ay makaraang sumalang kanina sa official weigh-in ang dalawa kung saan bahagyang magaan sa 145.8 pounds si Garcia, habang si Vargas ay eksakto lamang sa 147 pounds weight limit.

Ang 12-round welterweight bout ay gaganapin sa The Ford Center sa Texas.

Kung ipapaalala ang veteran na si Vargas (29-2-2, 11 КО) ay tinalo noong taong 2016 ni Manny Pacquiao.

Si Garcia naman ay itinuturing din na isa sa mga elite boxers na may record na 39 wins, 30 via knockouts at meron lamang isang talo.