-- Advertisements --

Masayang ibinalita ni Sen. Bong Go na “all is well’ na sa pagitan nina bagong Speaker Lord Allan Velasco at dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Go matapos pulungin ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Cayetano at Velasco na una nang nagbangayan sa pagka-speaker.

Sinabi ni Sen. Go, parang isang tatay si Pangulong Duterte na kinausap ang kanyang mga anak.

Pinayuhan daw ni Pangulong Duterte sina Velasco at Cayetano na magkaisa at ipasa na ang P4.5 trillion proposed 2021 national budget.

“All is well. Parang tatay si Tatay Digong kinausap mga anak niya. Pinag-payuhan na mag-kaisa. One majority and pass the budget on time para sa sambayanang Plipino,” ani Sen. Go.