-- Advertisements --

Negosyo ang nakikitang motibog ng kaplulisan sa pamamaril sa isang Australian national at asawa nito sa Olongapo City nitong Biyernes.

Ayon kay Olongapo Police chief, Police Colonel Benjamin Sembrano, na magkaroon ng alitan sa negosyo ang suspek at ang biktima.

Magugunitang binaril ng suspek na si Michael McLaren ang biktimang sina Anthony Georg Wilson, 61 at si Mila Bailey,41 na sanhi ng kanilang kamatayan at habang sugatan naman ang driver na si Wayne Bailey.

Mabilis na tumakas ang suspek subalit natunton din ito sa pamamagitan ng kuha sa CCTV.