Cauayan City – Natukoy na ng pulisya ang kinaroroonan ng mga pinaghihinalaan sa pananaksak sa isang magsasaka sa Barangay Salinas, Bayan ng Bambang.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina, Lito Natalac,26, Dolpo Bucasan, 47, at Denver Bucasan, 27, na pawang magsasaka at residente ng Barangay Babadi, Kayapa Nueva Vizcaya.

ang biktima na si Jonathan Antonio, nasa tamang gulang, isang magsasaka at residente ng Barangay Salinas Bayan ng Bambang.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya magkasamang nag-inuman ang biktima kasama ang mga pinaghihinalaan suspek sa isang Videoke Bar sa nasabing lugar.

Dahil sa kalasingan, nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ng mga pinaghihinalaan at biktima na nauwi sa kaguluhan dahil lamang sa bill ng inumin na kanilang bayaran, bigla na lamang naglabas ng kutsilyo ang isa sa mga pinaghihinalaan at sinaksak ng tatlong beses ang likurang bahagi ng biktima.

-- Advertisement --

Agad namang dinala sa pagamutan ng mga tumugong opisyal ng barangay ang biktima kung saan ito kasalukuyang nagpapagaling.

Nadakip naman ang mga pinaghihinalaan matapos ang isinagawang hot Pursuit ng mga autoridad matapos tumakas ang tatlo na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Bambang police station para sa kaukulang dokumentasiyo at disposisyon.