CENTRAL MINDANAO – Pinangunahan ni Mayor Sumulong Sultan ng Pikit, Cotabato ang dayalogo sa pagitan ng dalawang naglalabang pamilya sa Brgy. Tinutulan upang ito ay resolbahin.
Dito ay inayos ang alitan ng pamilya Lumangka at Guiamad sa pinag-aagawang lupa sa lugar.
Nagresulta pa ang kanilang gulo sa pagkakasugat ng apat katao kung saan isa dito ay mula sa pamilya ng Lumangka habang tatlo naman sa mga Guiamad.
Naging katuwang ng lokal na pamahalaan sa maayos na pag-uusap si Pikit coordinator at 129 Base Command Commander Nayang Timan at ilang mga elders ng naturang barangay.
Umaasa naman si Mayor Sultan na ito ay magiging hudyat upang manumbalik na ang katahimikan at makapamuhay muli ng maayos ang dalawang pamilya pati na ang ibang mga residente ng Brgy. Tinutulan.