-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Alex Gonzaga ang mga natatanggap niyang pakikidalamhati matapos na ibunyag niyang ito ay nakunan sa ikalawang pagkakataon ng kaniyang pinagbubuntis.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang mga natanggap niyang mensahe sa mga fans at malalapit na kaibigan.

Sinabi nito na hindi madali ang pagiging ina dahil sa dami ng mga pagdaranan na hamon.

Naniniwala aniya nito sa darating ang panahon mabibiyayaan din ito ng anak.

Magugunitang noong Enero 2020 ng ikinasal ang actress sa politician na si Mikee Morada.

Unang nakunan sa kaniyang dinadala ang actress noong Oktubre 2021 ng makaranas ito ng blighted ovum na nangyayari kapag ang fertilized egg cell ay hindi nabuo.