Alex Gonzaga
-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng actress na si Alex Gonzaga matapos na mabawi sa kamay ng mga snatcher ang kaniyang cellphone.

Sa kaniyang Twitter, pinasalamatan nito ang mga kapulisan ng Gudalupe Nuevo sa lungsod ng Makati na rumesponde ng hablutin ang kaniyang cellphone nitong Huwebes ng gabi.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang driver na humabol sa mga humablot ng kaniyang cellphone.

Kuwento pa nito na hinabol ng driver nito ang mga snatcher at pinagtulungan ang mga suspek para tuluyang masakote.