olivarez gonzaga
Re-elected Parañaque Mayor Edwin Olivarez (left) & Social Media star Alex Gonzaga (right).

Itinanggi ni re-elected mayor Edwin Olivarez ng Parañaque City na idedeklara nitong persona non grata ang tv host-actress na si Alex Gonzaga.

Ito ay matapos tawagin ni Alex si Olivarez na mandurugas habang nasa isang political campaign ang dalaga sa naturang syudad at ini-endorso ang isang partylist.

Dahil dito ay umani ng negatibong reaksyon mula sa marami ang naging komento ng aktres.

Ayon kay Olivarez natanggap niya ang komentong ito ni Alex ngunit hindi niya raw ito pinepersonal dahil parte lamang ito ng “pulitika.”

Kinumpirma naman ng kapatid nito na si tv-host actress Toni Gonzaga, na nakikipagpulong na ng pribado ang kanyang bunsong kapatid sa kampo ni Olivarez.

Dagdag pa ni Toni, paniguradong may matutunang leksyon ang kanyang kapatid mula rito.