-- Advertisements --

Opisyal nang kasali ang Filipino tennis star na si Alex Eala sa main draw ng US Open kung saan ang kanyang ikalawang pagsali sa pangunahing torneo ng nasabing Grand Slam event.

Kasama ang pangalan ni Eala sa official entry list ng US Open na gaganapin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 13, bilang bahagi ng kanyang ikaapat at huling Grand Slam main draw appearance ngayong season.

Ang 19-anyos na tennis standout, na kasalukuyang nasa No. 29 ranking ng Women’s Tennis Association (WTA), ay umaasang maipagpapatuloy ang kanyang magandang kampanya sa mga Grand Slam matapos ang matagumpay niyang laban sa Wimbledon.

Sa Wimbledon, umabot si Eala sa Round of 16 matapos talunin ang defending champion na si Iga Swiatek na maituturing bilang isang malaking tagumpay sa kanyang karera.

Nakuha naman ni Eala ang kanyang unang Grand Slam main draw victory noong nakaraang taon nang talunin niya si Clara Tauson sa unang round ng US Open bago tuluyang natalo kay Cristina Bucsa.

Matapos ang kanyang pahinga sa Pilipinas noong nakaraang linggo, muling sisimulan ni Eala ang paghahanda para sa US Open series.

Susunod na sasabak ang graduate ng Rafa Nadal Academy sa Mubadala DC Open sa Washington kung saan maglalaro siya sa singles at doubles event. Makaka-team niya sa doubles ang tennis legend na si Venus Williams.