Muling pinatunayan ni Tennis star Alex Eala ang kanyang husay matapos niyang talunin ang World No. 2 na si Elena Rybakina, 7-5, 6-4, sa Berlin Open nitong Biyernes (oras sa Pilipinas).
Sa naturang laban sa WTA 500 tournament, kinapos si Eala sa unang bahagi ng first set at naibaba pa sa 1-4 laban kay Rybakina na kilala sa malalakas na serve. Ngunit hindi nagpatinag ang 21-anyos na Pilipina at nakabawi sa pamamagitan ng sunod-sunod na panalo sa mga laro upang maagaw ang unang set, 7-5.
Sa second set, nauna na naman si Eala at nakalamang 4-2, bago muling lumapit si Rybakina. Gayunpaman, nanatiling matatag ang Filipina at tinapos ang laban sa 6-4 matapos ang 1 oras at 32 minuto.
Dahil sa panalong ito, umusad si Eala sa quarterfinals ng torneo at haharapin niya roon si Elina Svitolina.
Matatandaan na ito na ang ikalawang beses na tinalo ni Eala ang isang World No. 2 player. Noong nakaraang taon, naitala rin niya ang malaking upset laban kay Iga Swiatek sa Miami Open na nagdala sa kanya sa semifinals.
















