-- Advertisements --

Bumagsak sa semifinals ng Jingshan Tennis Open ang Pinay ternnis star na si Alex Eala matapos talunin ni Lulu Sun ng New Zealand sa score na 6-3, 4-6, 2-6.

Nakuha ni Eala ang unang set at nagkaroon pa ng 2-1 na kalamangan sa ikalawang set, ngunit sinundan ito ng apat na sunod-sunod na panalo ni Sun.

Nakabawi pa si Eala at nanalo ng dalawang magkasunod na laro upang makahabol, ngunit hindi na niya napigilan ang pag-angat ni Sun.

Sa pagsisimula ng third set, agad nang nanguna si Sun nang makuha ang unang apat na laro.

Sinubukan pa ring bumawi ni Eala, ngunit sinelyuhan ni Sun ang kanyang tagumpay sa huling bahagi ng set.

Ito ang pangalawang pagkatalo ni Eala kay Sun matapos ang kanilang pagkaharap sa Wimbledon qualifiers noong nakaraang taon.

Magtatapos ang torneo ng Jingshan nang walang Alex Eala na magpapatuloy sa final.