-- Advertisements --
Hindi pinalad ang Filipina tennis player na si Alex Eala laban sa Colombian na si Emiliana Arango, 6-0, 2-6, 6-3, sa unang round ng 2025 French Open women’s singles tournament nitong Linggo.
Nakabawi si Eala sa ikalawang set kung saan siya ay lumamang ng 3-2 bago ito pansamantalang itinigil dahil sa ulan.
Sa kalaunan, nakuha niya ang set ngunit nakabawi ang Colombian sa huling set.
Ang 20-anyos na si Eala, ay lalaban pa rin sa doubles tournament kasama ang Mexicanang si Renata Zarazua simula Miyerkules.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Eala na makapasok sa main draw ng French Open.