-- Advertisements --

Posibleng mag-extent pa sa mga kalapit na lugar ang alerto sa Taal Volcano, kapag nagpatuloy ang abnormalidad nito.

Una rito, nakapagtala ng halos 100 pagyanig sa bulkan sa loob ng 24 oras, kaya napilitan ang local disaster officials na ilikas ang dose-dosenang nakatira sa volcano island.

Bagama’t sakop kasi ito ng permanent danger zone, marami pa rin ang nagpupumilit manatili sa nasabing isla.

Hindi naman nagdalawang isip ang Philippine Coast Guard (PCG) na sunduin ang mga tao doon.

Gayunman kung magpupumilit umanong bumalik ang mga ito ay baka hindi na sila mapuntahan ng mga otoridad.

Maliban sa mga pagyanig, patuloy ding mino-monitor ang pagtaas ng temperatura sa may crater at pamamaga ng lupa sa paligid ng bulkan.