-- Advertisements --
PBBM BBM

Magtataas ng alert status ang Philippine National Police (PNP) sa bansa simula sa darating na Linggo.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapaigting pa ng seguridad sa bansa sa pag-alis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaniyang kauna-unahang state visit.

Sa pagtatanong ng Bombo Radyo, tiniyak ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakaalerto ang buong hanay ng kapulisan sa panahon na mawawala si PBBM sa Pilipinas sa loob ng apat na araw.

Matatandaan na una nang inanunsyon ng Malakanyang na sa darating na September 4 hanggang September 6 ay nakatakdang lumipad patungong Indonesia si Marcos at didiretso naman ito patungong Singapore mula September 6 hanggang 7 bilang bahagi pa rin ng kaniyang state visits.