Posible umanong babaan na ang alert level sa Metro Manila pagsapit ng Oktubre 16 dahil na rin sa bumubuting sitwasyon sa National Capital Region.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, hindi malayong luwagan ang restrictions sa NCR dahil na rin sa bumubuting COVID-19 situation sa rehiyon kamakailan tulad na lamang ng bumababang naitatalang bagong mga kaso at hospital utilization rates.
Sa isang panayam, sinabi ni Densing na ang intensice care utilization rate na 68 percent ay maikokonsidera nang moderate.
Tinukoy din niya na ang COVID-19 bed utilization rate sa ngayon ay nasa 50 percent kamakailan dahil nasa 9,000 hanggang 10,000 cases na lamang kada araw sa nakalipas na pitong araw kumpara sa 15,000 hanggang 16,000 na naitatala dalawang linggo na ang nakaraan.
Pero nilinaw ni Densing na ang Department of Health (DOH) ang siyang mag-aanunsyo hinggil sa pinal na alert level sa NCR sa mga susunod na araw.