-- Advertisements --

Magpupulong mamayang gabi ang mga alkalde sa buong Metro Manila para pag-usapan kung maaari na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, sa unang pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon, gagawin nila ang pagpupulong na ito nang “face-to-face.”

Sinabi naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na kailangan paghandaan ang local health support para ma-manage ang sitwasyon sa oras na matuloy ang Alert Level 1 sa Metro Manila.

Kailangan din aniyang pagbutihin pa ang compliance sa minimum public health standars para mapatili ang l”ow risk” classification.

Nauna nang iginiit ng presidential adviser for entreprenuership na si Joey Concepcion na suportado ng mga negosyante ang pagluwag pa lalo sa Metro Manila.