-- Advertisements --

Magsasagawa ng imbestigasyon ang chess global governing body na FIDE sa alegasyon ng pandaraya.

May kaugnayan ito sa isinawalat ni chess world champion Magnus Carlsen laban kay Hans Niemann.

Nag-withdraw kasi si Carlsen sa Sinquefield Cup matapos na talunin siya ni Niemann.

Iginiit ni Carlsen na dapat mabigyan ng parusa si Neimann dahil sa mga pandaraya na kaniyang ginagawa.

Una ng itinanggi ni Neimann ang alegasyon at sinabing noong edad 12 at 16 lamang ito nandaya sa online chess pero sa over-the-board games ay hindi ito nandaraya.

Dahil dito ay bumuo ng three-member investigatory panel ang Fair Play Commission (FPL) ng FIDE para imbestigahan ang alegasyon.

Tiniyak nila magiging patas ang gagawin nilang imbestigasyon.