-- Advertisements --
Nahaharap sa kasong two counts of involuntary manslaughter ang actor na si Alec Baldwin.
May kaugnayan ito sa naganap na pamamaril sa set ng pelikulang “Rust”.
Nakasaad sa korte ang “negligent use of firearm” at ang pangalawa ay ang pagbalewa sa kaligtasan ng ibang tao.
Sinabi naman ng abogado ng actor na sina Luke Nikas at Alex Spiro na handa nilang harapin sa korte ang kaso ng kanilang kliyente.
Una ng iginiit ng mga abogado ng actor na inosente ito.
Magugunitang aksidenteng nabaril at napatay ng actor ang cinematographer na si Halyna Hutchins habang sugatan ang director na si Joel Souza sa shooting ng pelikulang “Rust”.