-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakatakdang makipag-dayalogo ngayong araw si Albay Governor Grex Lagman sa mga alkalde ng Guinobatan at Sto. Domingo may kinalaman sa pagtaas ng bilang ng mga inilakas mula sa dalawang bayan.

Kung babalikan una ng pinadalhan ng gobernador ng sulat sina Guinobatan Mayor Paul Chino Garcia at Sto. Domingo Mayor Jun Aguas upang hingan ng palwanag sa pagpapalikas samga residenteng nasa 7km-8km extended danger zones ng bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lagman, napag-alamang 44% sa mga naitalang evacuees ay ang mga pamilyang mula sa 7km-8km extended danger zones.

Nangangahulugan ito na wala naman sa evacuation protocol at sa rekomendasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagpapalikas sa naturang mga residenteng nasa extended danger zones.

Kaya hangad ng goberbador na magkaroon ng dayologo sa pagitan ng dalawang alkalde upang malaman kung ‘justified’ ang rason sa ginawang hakbang.
Paliwanag ni Lagman na malaking bagay ang 44% na dagdag sa mga evacuees na patuloy na sinusoportahan ng lokal na pamahalaan maging ng national government at iba pang mga donors.

Dahil dito, binigyang diin ng gobernador na importanteng makipag-ugnayan muna ang mga local government units sa anumang mga gagawing aksyon upang mabigyan ng guidelines, gayundin ang striktong pagsunod sa mga ipinatupad na protocols.

Umaasa ang opisyal na dapat magkaroon na ng bagong kultura at pag-iisip ang publiko na dapat siyensya ang pagbatayan sa mga magiging aksyon sa ganitong mga sitwasyon.

Ito ay upang maiwasan ang dati ng nangyayari na pag-overreact ng publiko na nagreresulta sa paglobo ng bilang ng evacuees, pagkasayang ng pondo ng gobyerno dahil sa sobra-sobrang paggamit.