-- Advertisements --
Inireklamo ng North American Aeropspace Defense Command ang paglipad ng mga eroplano ng Russia sa himpapawid na kanilang nasasakupan.
Ito na ang pangatlong beses na ginawa umano ng Russia ang pagpapalipad ng kanilang military plane sa Alaskan air defense identification zone (ADIZ) mula Agosto 8 hanggang 10.
Ang ADIZ ay international airspace na katabi ng Alaska na nagpapalawig sa mga lugar ng mahigit 100 milya mula teritoryo ng US.
Sa larawan na ibinahagi ng NORAD, makikita ang mga F-22 jet nila sa Russian II-20 aircraft.