Nasungkit ng Alas Pilipinas Women ang kauna-unahang silver medal ng bansa sa SEA V Cup matapos pataubin ang Indonesia, 25-13, 23-25, 25-19, 33-31, nitong Linggo sa Thailand.
Matapos ang matinding laban na umabot sa marathon fourth set, nakaligtas ang Alas Pilipinas sa walong set points ng Indonesia bago tuluyang selyuhan ang panalo.
Nagtabla pa ang dalawang koponan sa 31-all bago umarangkada ang Pilipinas.
Nanaig ang crucial block nina Fifi Sharma at Jia de Guzman para pigilan ang Indonesia, bago tuluyang magkamali ang kalaban sa drop shot at maibigay sa Pilipinas ang makasaysayang panalo.
Dahil dito, nalagpasan na ng Alas Pilipinas ang anim nitong bronze-medal finishes mula nang itatag ang torneo noong 2019, na noon ay tinawag na ASEAN Grand Prix bago naging SEA V.League at kalaunan ay SEA V Cup.











