Maging ilang local celebrities ay kanya-kanya ang naging paraan para maipagdiwang pa rin ang Valentine’s Day na tumapat nitong araw ng Linggo at nasa gitna pa ng COVID (Coronavirus Disease) pandemic ang bansa.

Tulad na lamang ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nag-post ng isa sa throwback o lumang larawan nila ng businessman boyfriend na si Jeremy Jauncy na kuha sa isang karagatan na tila mula pa sa ibang bansa.

Pagbubuking ni Wurtzbach, bumawi ngayong taon si Jeremy dahil noong nakaraang taon ay nakalimot daw ito sa extra special day.

Vday Wurtzbach

“Valentine’s weekend with my love ❤
More cheesy pictures coming!! 🙈 Bumabawi si kuya hahaha @jeremyjauncey forgot Valentine’s Day last year but all that’s forgotten now hehehe ❤❤🥰🥰”
caption naman nito sa iba pa nilang larawan.

Si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray naman, ay isinapubliko sa pambihirang pagkakataon ang maiksing Valentine’s video clip kung saan kasama nito ang actor boyfriend na si Sam Milby sa isang sanctuary resort sa Batangas.

-- Advertisement --
Vday Catriona
catriona_gray
Hope you all had a day full of love 🥰 I know I did! Happy Valentines day friends! 💘

Biglang napabakasyon naman sa Coron, Palawan, si Kim Chiu matapos sinorpresa ng kasintahang si Xian Lim.

Ayon sa tinaguriang chinita princess, hindi nakakalimot si Xian na maging “memorable” lagi ang kanilang Valentine’s celebration lalo ngayon na mayroon pang COVID pandemic.

Kasama ng magkasintahan ang mga kaanak ni Lim kung saan pawang nakasuot sila ng face shield.

Ang young actress na si Janella Salvador ay piniling sa Pilipinas ipagdiwang ang unang Valentine’s Day bilang isang ina, kung saan nakauwi na ito mula United Kingdom kasama ang aktor na si Markus Paterson at kanilang four months old baby.

Kung maaalala, inamin ni Janella na natakot ito sa mapang-husgang mundo kaya isinikreto muna ang kanyang pagbubuntis.

Samantala, nakahinga ng maluwag si Regine Velasquez dahil matutuloy na ang kanyang Valentine concert na unang kinansela dahil sa kanyang exposure sa isang COVID positive na pasyente, ngunit negatibo naman ang kanyang resulta.