-- Advertisements --
Nagpatupad ng price freeze ang Department of Energy (DOE) sa mga produktong LPG at kerosene ng mga lugar sa buong bansa na nag-deklara ng State of Calamity.
Dito sa Luzon, magtatagal hanggang March 30 ang price freeze sa buong Cavite, Mandaluyong City, Muntinlupa City, Marikina City, Makati, Pasig, Valenzuela at bayan ng Porac sa Pampanga.
Hanggang March 29 naman ang sa San Juan, Maynila at Pasay; samantala hanggang March 27 at March 28 ang sa Quezon City at Las Pinas.
Sa Visayas at Mindanao naman, hanggang March 27 din sa Cebu at Iligan City; samantalang March 30 ang price freeze sa Negros Oriental.
Nilinaw ng DOE na sa ilalim ng kautusan ay hindi maaaring itaas ang presyo ng naturang mga produkto, pero papayagang mag-rollback.