-- Advertisements --

left1

Sa paggunita ng ika-79th Araw ng Kagitingan o Day of Valor ngayong araw, ating alamin ang kwento sa likod ng Salute of Valor.

Ang pagsaludo ay kabilang sa mga customs and traditions para sa mga kapatid natin na nasa serbisyo.

Ito ay isang “gesture of respect na ipinasa from one generation to another.”

Hindi naman masabi ng AFP kung saan nagsimula ang hand salute sa militar, kung baga misteryoso ang pinagmulan nito.

Ayon naman sa AFP History Museum, ang standard salute ay posibleng naimpluwensiyahan sa salute style ng British Navy.

Sa ngayon ang pagsaludo ang siyang “highest form of military courtesy.”

Ang tamang paraan sa pagsaludo ay ang pagtaas ng kanang kamay, subalit ang navy at marines ay pinapayagang magsaludo gamit ang kanilang kaliwang kamay dahil ang kanilang kanang kamay ay ginagamit sa paghawak ng grills ng barko habang sila ay onboard.

Sa lahat ng commissioned and non-commissioned officers ng Philippine Army, isa lang ang nagsasagawa ng left hand salute, ito ay walang iba kundi si AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana.

Si Sobejana ay medal of valor awardee at isa sa mga tinaguriang “living heroes” na halos inalay ang kaniyang buhay sa ngalan ng kapayapaan.

left3

“I consider really na itong aking buhay ngayon ay gift of life na binigyan ka pa ng pagkakataon to continously serve na masasabi ko nga na hindi pa tapos ang aking misyon at sana hindi pa matatapos para tuloy-tuloy tayo mabubuhay. Ang importante, day in day out mayroon tayong nagagawa para sa kapakanan ng ating mga kababayan at maging relevant tayo,” wika ni Sobejana.

Marami ang naintriga kung bakit kaliwang kamay ang gamit ni Sobejana sa pagsaludo.

Ilan sa mga hindi nakakaalam ng istorya, binabatikos ang heneral sa kaniyang left-handed salute.

Taong 1995, ang noo’y Captain Sobejana ang nanguna sa 16-man unit team mula sa First Scout Ranger Regiment na nakipaglaban sa nasa 150 fully armed Abu Sayyaf terrorists sa Basilan.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, sinabi nito na lubhang tinamaan ng bala ang kaniyang kanang kamay. Muntik na itong maputol at malaglag. Ang kaniyang katabi na radioman ang siyang nagtali umano sa kaniyang braso para ma-control ang blood flow. Hindi pa man nahigpitan ang pagkakatali ay pinasabugan na sila ng RPG ng mga kalaban.

Kuwento ni Sobejana, kagat-kagat niya ang kaniyang hinlalaki para hindi malaglag ang kaniyang kamay.

Aniya, sa kabila ng kaniyang tinamong malubhang pagkasugat ay nagawa pa niyang makipaglaban sa mga teroristang Abu Sayyaf gamit ang mga armas ng mga namatay niyang kasamahan.

Sa nasabing engkwentro 42 ASG members ang nasawi kung saan tumagal ito ng apat na oras.

“Sa Basilan doon ko naranasan ang pinakamatinding labanan against the Abu Sayyaf group with the original commander Abdurajack Abubakar Janjanali at during that encounter napaka overwhelming ng kanilang strength as against our small formation, so talagang masasabi ko na nuong panahon na yon ay nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita ko rin ang tapang, courage na harapin yung ganuong sitwasyon. That was the time that I really appreciateed yung sinasabi na “fear is just a reaction and courage is a decision” so, dalawa yung bagay na pumasok sa isipan ko yung mangingibabaw yung takot o mangingibabaw ang tapang, so nangingibaw yung tapang sa pagkakataon na yun,” ayon pa kay Sobejana.

Aniya, bagamat siya ang may pinakamatinding tama noong panahon hindi siya pwedeng panghinaan ng loob dahil sa kaniyang mga kasamahan.

Ayon kay Sobejana, pinakanaapektuhan siya noon ay ang daing ng kaniyang mga kasamahan na sinasabing, “tulungan mo kami sir” bago sila mawalan ng hininga at inihabilin nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

Iniisip din ni Sobejana ang dalawang kasamahan nito na walang awang pinugutan ng ulo ng ASG.

Matapos ang engkwentro, nawalan daw ng motor capabilities ang kanang kamay.

Sumailalim si Sobejana sa siyam na surgical procedures sa United States sa loob ng dalawang taon.

Personal daw niyang hiniling sa doktor na huwag putulin ang kaniyang kanang kamay dahil nais pa niyang ipagpatuloy ang kaniyang pagsisilbi sa bayan.

left2

” Actually bilang isang mandirigma ay parang naging way of life ko na, in fact yung aking mga combat assignments ay I consider them as my comfort parang overtime nagiging comfort zone ko na siya, so I did not feel any amount of parang isolation. I feel at home being with my people,” wika ng heneral.

Naging emosyunal si Sobejana nang ikwento sa Bombo Radyo, na hindi niya ipinaalam sa kaniyang nanay na siya ay lubhang nasugatan sa nasabing labanan, bilin daw niya sa kaniyang misis na lamang sabihin dahil takot siya baka atakihin sa puso ang kaniyang ina.

Sobrang nag-alala ang kaniyang pamilya at umiiyak ang kaniyang mga anak ng malaman na siya ay malubhang nasugatan.

“Nalaman nila doon sa isang media outfit at nakalagay ‘yung pangalan ko na isa sa mga seriously wounded, so unang una nag-alala sila, saan yung tama ko at talagang worried na worried yung asawa ko yung tatlong anak ko na maliliit pa nuon yung mother ko kasi hindi ko nakakausap yung Misis ko ang nasabihan ko lang yung classmate ko na that time aide ni Gen. Soriano na kung pwede hindi sabihin sa mother ko dahil may karamdaman sa puso, after two days dumating na ang Misis ko sa Zamboanga,” kwento ni Sobejana.

Dahil sa kaniyang heroic action, pinarangalan si Sobejana ng highest military award.

Ito rin ang dahilan kung bakit kaliwang kamay ang gamit niya sa pagsaludo ngayon.

“Ako ay masaya dahil narecognize yung aking effort but of course hindi ko naman ginawa yun dahil gusto ko na mabigyan ng ganuong recognition, kumbaga nalagay lang ako sa sitwasyon na talagang ipakita ko yung aking kakayanang mamuno sa ating mga kasundaluhan sa laban against the enemies of the state and honestly, I did not expect that I will be given such recognition but the leadership, the people around says na talagang yung aking pinapakita deserves to be recognize at pumasok duon sa criteria sa pagiging isang medal of valor. I receive that award after two years dahil na ospital muna ako,” pagbabahagi pa ni Sobejana.