-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan nina Prince William at Kate Middleton matapos ang pagpanaw na ng kanilang asong si Lupo.
Sa kanilang social media, inanunsiyo ng dalawa ang nasabing balita.
Nakasama nila ang aso sa loob ng mahigit na siyam na taon.
Isang uri ng English Cocker Spaniel, na pag-aari ng magulang ni Middleton na inampon na rin ni William.
Ang nasabing aso ay siyang responsable sa pagpili ng pangalan ni Prince George.
Noon kasing buntis pa si Middleton ay nagsulat ito ng mga pangalan sa papel at pinapili kay Lupo.