-- Advertisements --

Pinalaya ng mga al-Qaeda militants ang kanilang bihag na 88-anyos na Australian doctors.

Si Dr. Kenneth Elliott ay napalaya matapos ang mahigit pitong taon na pagkakabihag.

Ayon sa foreign minister ng Australia, na nakasama na ni Elliot ang kaniyang mga pamilya.

Taong 2016 ng dukutin ng Al-Qaeda si Elliot kasama ang asawang si Jocelyn habang sila ay nasa klinika sa border ng Mali at Burkina.

Unang pinakawalan ng Al-Qaeda sa Islamic Maghreb ang asawa tatlong linggo matapos na sila ay dukutin.

Humingi ng privacy ang pamilya ng doctor kung saan bibigyan muna nila ito ng sapat na panahon para makasama ang mga kaanak.

Ang Al-Qaeda in the Islamic Maghreb (AQLM) na nakabase sa north at west Africa ay matagal ng gawain ang pagdukot at paghingi ng ransom para makalikom ng pera.